
Ibinahagi ni Department of Health (DOH) Assistant Regional Director Dr. Pretchell Tolentino na bumaba ang vaccination rate para sa tigdas, rubella at oral polio sa mga bata sa Pilipinas dahil sa dumaang pandemya.
Ayon kay Tolentino, ang vaccination rate noong nakaraang taon ay umabot lamang sa 72% na kinakailangan umabot sa 90% na sakop para masigurado ang kaligtasan ng mga bata.
Alinsunod rito ay naglabas ang DOH ng supplemental immunization kung saan ang pangunahing layunin nito ay maunang mabakunahan ang mga batang sakop sa 95% na nangangailangan ng bakuna kontra tigdas, rubella at oral polio.
Batay sa pagtatala ng DOH, ang pangunahing dahilan kung bakit bumaba ang vaccination rate ay dahil sa pandemya, dahil dito ay natakot ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak dahil na rin sa takot na naidulot ng pandemya.
Isa pa sa kanilang naitalang dahilan ay ang mga maling impormasyon na kumakalat tungkol sa bakuna, ngunit nilinaw ng DOH na ang mga bakunang ito ay pawang katulad lamang rin ng dati.
Dagdag pa ni Tolentino, ang mga bakunang ito ay hindi bago at dati pa ring mga bakuna kaya’t walang dapat ikatakot sa pagpapabakuna ng kanilang mga anak at ang pangunahing layunin lamang nito ay maiwasan ang sakit na tigdas, rubella, at oral polio.


Si Mauve ang Patnugot sa Sentro Punto Balita, opisyal na news website ng Regional Schools Press Conference 2023.
Ang mga sumusunod na pahayag at opinyong nailathala sa Sentro Punto Balita ay pawang nagmula lamang sa mga manunulat at hindi sumasalamin sa kabuuan ng rehiyon o sa iba pang organisasyon