Nagsagawa ang Department of Health (DOH) ng programang ‘Chikiting Ligtas Measles-Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity’ na naglalayong protektahan sa sakit ang mga bata may edad 0 hanggang 59 na buwang taong gulang.
Ang naturang aktibidad ng DOH ay nagsimula noong May 2 at magtatapos sa May 31.
Ayon sa DOH, nakukuha ang sakit na tigdas dulot ng measles virus na kumakalat sa pamamagitan ng mga droplets, pag-ubo, at pagbahing.
Sa kabilang banda, ang oral polio naman ay nakukuha muna sa oral route katulad ng kung ano ang mga kinakain, iniinom at isinusubo ng mga bata.
Malabis na pinaaalalahanan ng DOH na huwag matakot ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak. Batay sa programang ‘Chikiting Ligtas’, ito lamang ay para sa kaligtasan ng mga bata.
Si Mauve ang Patnugot sa Sentro Punto Balita, opisyal na news website ng Regional Schools Press Conference 2023.
Ang mga sumusunod na pahayag at opinyong nailathala sa Sentro Punto Balita ay pawang nagmula lamang sa mga manunulat at hindi sumasalamin sa kabuuan ng rehiyon o sa iba pang organisasyon