Pagbigay ng sapat na kaalaman tungkol sa kalusugan sa bawat isa ay makakapagligtas sa bawat buhay ng mamamayan lalo na't ang nga kabataan.
Kailangan na mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga magulang at nakakatanda ukol sa mga epekto ng bakuha para sa kalusugan ng kanilang mga anak.
Talamak ang sakit na tigdas, rubella, at polio sa mga mamamayan, lalo na sa mga maralita sa bawat sulok ng ating bayan.
Libre na ang mga bakuna. Pipili ka lang protektado ka na, pero dobleng pagiingat pa rin ang mas kailangan upang hindi na magkaroon ng matinding karamdaman.
Naghatid ng karagdagang impormasyon sa madla si DOH Assistant Regional Director Dr. Pretchell Tolentino na patungkol sa programa ng Department of Health o DOH na 'Chikining Ligtas'.
Ayon sa kanya, ito ay isang vaccination program na kung saan pinoproktahan ang mga kabataan sa maaaring sakit na dala ng tigdas, rubella at polio. Ito ay lubos na magpapahirap sa kanila kapag ang katawan nila ay nakakuha ng ganitong sakit.
Lingid sa kaalaman ng mga magulang na kapag nabakuhan na, kinakailangan parin ng dobleng pagiingat dahil hindi porket may bakuna na ang bata, ito ay protektado na sa mga sakit na nabanggit.
Mas mainam nang iwasan kaysa makaranas ng pangmatagalan na gamutan.
Lahat binibigay na sa atin ng gobyerno para mapangalagaan ang kalusugan ng bawat mamamayan.
Pakikilahok at kooperasyon nalang natin ang kailangan upang matugunan ang mga problemang nagpapahirap lalo na sa mga bata at maralita.
Si Lilac ang Patnugot sa Opinyon ng Sentro Punto Balita, opisyal na news website ng Regional Schools Press Conference 2020.
Ang mga sumusunod na pahayag at opinyong nailathala sa Sentro Punto Balita ay pawang nagmula sa mga manunulat at hindi sumasalamin sa kabuuan ng rehiyon o sa iba pang organisasyon.