Hindi mawari ang emosyon na matutunghayan sa mukha ng representante ng Pilipinas matapos mabigong sungkitin ang ikatlong pwedto sa naganap na 32nd Sea games – Women’s Volleyball Battle for Bronze noong ika-14 ng Mayo taong 2023, sa Olympic Stadium Cambodia, tinapos ng Indonesia ang naturang labanan sa iskor na 3-1.
Sapat ngunit hindi kinaya ang naging estilo ng Pilipinas sa naganap na sagupaan kontra Indonesia. Nagpamalas ng kakaibang husay ang mga atletang pinay matapos imungkahi ang liksi’t lakas na tinatangi, ngunit ito’y hindi naging sapat upang maagaw ang korona sa Indonesia.
Umarangkada sina Galanza, Carlos, Tolentino at ang setter na si De Guzman nang gawaran ang Indonesia ng kakaibang laro na ikinagulat ng madla. Pinalasap ni Galanza kahalina si De Guzman ng isang matulin na combination play na nagpalula sa katunggali't nakatulong upang lumamang sila nang bahagya.
Bagamat naging maganda ang simula, pinilit tumayo't bumangon ng Indonesia sa pagkakadapa’t muling umariba, sa tulong ni Wulandh nabakuran nila ang bronze medal, nagtayo sila ng matayog na pananggalang kung saan nagpailap at nagpahirap sa Pilipinas na tibagin at banggain.
Naging dikit ang laban nang mababol ng Pilipinas ang malaking agwat ng iskor na iginawad ng Indonesia matapos selyuhan at paulanan ng back row attack at off the block nina Carlos at Tolentino ang kalaban. Tila parang sinilaban ng apoy ang naging eksena matapos mag-init ang sagupaan nang mabuhayan ang representante ng Pilipinas.
Sa huli, bigo ang Pilipinas na masungkit ang ikatlong pwesto sa naganap na 32nd Southeast Asian Games. Pinadapa ng Indonesia ang Pilipinas sa iscor na 20-25, 25-21, 22-25 at 21-25.
Si Lime ang patnugot sa Isports ng Sentro Punto Balita, opisyal na news website ng Division Schools Press Conference 2023.
Ang mga sumusunod na pahayag at opinyong nailathala sa Sentro Punto Balita ay pawang nagmula sa mga manunulat at hindi sumasalamin sa kabuuan ng dibisyon at iba pang organisasyon.