Kaligtasan at kapakanan ng kabataan at mamamayan ang pangunahing tungkulin ng Department of Health o DOH sa ating bansa.
Nitong nakaraang buwan lamang tila pumutok ang kaso ng tigdas, rubella at polio na umabot ng 40 ang kabataang apektado sa loob ng limang buwan, mas mataas pa sa naitala nakaraang taon na umabot lamang ng 43 na kaso buong taon na.
Tila maaalarma ka talaga kapag nalaman mong lumalaki ang kaso nitong mga sakit na nabanggit. Kung magulang ka na, mas nakakabahala kung alam mong hindi pa nabakunahan ang iyong mga chikiting.
Ayon kay DOH Assistant Regional Director Dr Pretchell Tolentino na maraming hindi nagpupunta sa mga health center na nagdadahilan ng mas pagusbong ng mga sakit.
Layo ng kanilang mga tahanan, gutom, kahirapan, ay nagiging rason ng mga mamamayan.
Hindi na nagbibigay ng sapat na pagsisikap 'yung mga mamamayan dahil hindi naman sila nakakasagap ng sapat na impormasyon na kinakailangan nila upang mabiglang linaw ang mga katanungang sumasagi sa kanilang isipan.
Si Lilac ang Patnugot sa Opinyon ng Sentro Punto Balita, opisyal na news website ng Regional Schools Press Conference 2020.
Ang mga sumusunod na pahayag at opinyong nailathala sa Sentro Punto Balita ay pawang nagmula sa mga manunulat at hindi sumasalamin sa kabuuan ng rehiyon o sa iba pang organisasyon.