HOME I BALITA I OPINYON I LATHALAIN I ISPORTS I MULTIMEDIA I SENTRO PUNTO BALITA

BISITAHIN KAMI

Si Beige ang patnugot sa Lathalain ng Sentro Punto Balita, opisyal na news website ng Division Schools Press Conference 2023.


Ang mga sumusunod na pahayag at opinyong nailathala sa Balitang Sentral ay pawang nagmula sa mga manunulat at hindi sumasalamin sa kabuuan ng dibisyon at iba pang organisasyon.

Nag-iiyakan, nagtatangisan at humahagol-hagol na mga sanggol at mga bata. Hindi maatim ng aking mga matang tingnan na hindi sila komportable at naghihirap dahil sa mga sakit na karaniwan sa kanilang edad.


Mga sintomas tulad ng lagnat, ubo at rashes ang kadalasang unang mapapansin na ipinagwawalang bahala ng ibang magulang. Hanngang sa tuluyang lumala at mahirap ng solusyunan at pagalingin, doon lamang ipinapatingin sa mga propesyonal sa medisina.


Tigdas, Rubella, at Oral Polio ay mga sakit na karaniwan sa mga bata at sanggol ngunit kung hindi maaagapan ay maaaring lumala at magsapanganib ng buhay nila. Hindi biro ang ganito kaya kung sa umpisa ay lumabas agad ang mga sintomas ay dapat na agad nang magpakonsulta.


“Prevention is better than cure”, ito ang laging sinasabi at naririnig natin sa mga propesyonal sa kalusugan kaya naman isinusulong ng DOH ang “Chikiting Ligtas Vaccination Program”. Ito ay programa na nagbibigay ng libreng vaccine upang maiwasan ng mga batang 0-59 buwan ang tigdas, rubella, at oral polio.


Pero dahil sa pandemya na naranasan natin ng mahigit dalawang taon ay bumaba ang vaccination rate at ngayong taon ay tumaas naman ang kaso ng may sakit na ganito. Ngayong taon, simula noong buwan ng Enero hanggang buwan ng Mayo ay mayroon na agad na 40 kaso ng tigdas na malapit nang pantayan ang kaso noong nakaraang buong taon na 43.



























Bukod pa rito, may ilang dahilan din kung bakit tumaas ang kaso ng nagkakasakit na mga sanggol. Ayon sa DOH Assistant Regional Director na si Dr. Pretchell Tolentino, marami pa rin ang hindi nagpupunta sa health center kaya naman hindi nabibigyan ng agarang vaccine na kailangan ang kanilang mga sanggol. Sinabi pa niya “Marami pa rin ang misinformations about sa vaccines” kaya naman ang iba ay hindi nagtitiwala sa mga propesyonal at iniisip na baka ipahamak pa ito ng kanilang mga anak.


Sa kabila ng ganitong hadlang ay sinisikap ng DOH na mabakunahan ang marami at maabot ang 95% vaccination rate. “We are preventing another outbreak that’s why meron tayong supplemental immunization na ibinibigay” ani Tolentino. Iniiwasan ng departamento ng kalusugan ang nangyari noong 2019 kung saan kumalat at hindi nakontrol ang kaso ng nagkasakit.


Ngayon na bumabalik na ulit sa normal ang lahat, makiisa nawa ang lahat sa programang ito ng DOH upang sama-sama nating makamtan ang maaliwalas at ligtas na bukas.