HOME I BALITA I OPINYON I LATHALAIN I ISPORTS I MULTIMEDIA I SENTRO PUNTO BALITA

Mahinang kalusugan at hindi kayang magdesisyon, tanging iyak na minsan ay masakit sa tainga ang tanging boses ng isang sanggol. Hindi masabi ang sakit na nararamdaman kaya puro hagul-gol upang maiparating sa iba ang nais sabihin.



Sa murang edad o kahit wala pang ilang buwan ay nakakaranas na ng sakit tulad ng tigdas na karaniwan sa mga sanggol. Ito ay karaniwang impeksyon sa pagkabata bago ang unang paggamit ng bakuna laban sa tigdas. Makikita ang sintomas na dulot nito tulad ng lagnat, ubo, sipon, mapupulang mata at puting mantsa sa loob ng bibig. Kung hindi masolusyonan agad ay maaaring lumala at maaaring tumuloy sa mga seryosong resulta o kahit kamatayan.





















Isa ngang napakahirap na kalagayan ang akala mo ay simple lang at kadalasan namang nangyayari ay maaari pa lang magdulot at magbunga ng masakit at mahirap na resulta. Kaya habang maaga pa ay gumawa ng hakbang upang makaiwas sa tigdas ang mga bata lalo na ang mga sanggol. Sa ngayon ang Departamento ng Kalusugan ay naglunsad ng isang programa “ Chikiting Ligtas Vaccination “ na naglalayong mabakunahan ang mga bata na edad 0-59 months kontra tigdas, ngunit idinagdag rin nila ang mga bakuna para sa rubella (tigdas hangin) at oral polio na karaniwan din sa ganitong edad.



Binigyang katiyakan ng DOH Assistant Regional Director na si Dr. Pretchell Tolentino na hindi naooverdose ang bata sa bakuna. Kaya kung hindi maalala ng magulang o tagabantay ng bata ay maaari pa rin at libreng pumunta sa mga health center at lahat ay tinatanggap at binabakunahan.



Kaya inaanyayahan ang lahat ng mga may maliit na sanggol na makiisa sa isang buwang programang ito ng DOH para na rin sa kapakanan ng kanilang mga paslit. Ginagawa ng departamento ang lahat upang marami pa ang mabakunahan at hindi na dumami pa ang kaso ng tigdas ngayong taon. Ang kanilang target ay 95% vaccination rate kaya isa sa mga paraan nila upang mas dumami ang makatanggap ng bakuna ay pagbabahay-bahay at kahit sa iba’t-ibang malls ay maaari na ring magpabakuna.



Sa kabila ng ganitong pagsisikap ng DOH ay hindi pa rin sapat kung walang suporta nating mga mamamayan. Kaya upang makaiwas sa tigdas ay maagang aksyon ang kailangan, magpabakuna para sa ligtas na kinabukasan.

Si Beige ang patnugot sa Lathalain ng Sentro Punto Balita, opisyal na news website ng Division Schools Press Conference 2023.


Ang mga sumusunod na pahayag at opinyong nailathala sa Sentro Punto Balita ay pawang nagmula sa mga manunulat at hindi sumasalamin sa kabuuan ng dibisyon at iba pang organisasyon.