Paslit pa lamang mulat na ang mga kababaihang salat sila sa karangyaan, sa pagtingin ng mga tao na nasa lipunan. Iba’t ibang kritisismo ang natatanggap ‘pag dating sa kakayahan ng mga kababaihan.
Samut-saring reaksyon ang sa tao’y namutawi nang matuklasan ang line up na binubuo ng Philippines Women’s Volleyball Team. Iba’t ibang puna, iba’t ibang kritisismo ang sa kanila’y bumunulusok. Sa mata ng madla, iba ang kahulugan ng galing, iba ang pamantayan pagdating sa babae.
Nakakadismaya ang katotohanang laging kakaiba ang pagtingin ng mga mamamayaman pagdating sa kababaihan, maaaring may kakayahan ang mga lalaking kaya rin ng mga babae. Lingid sa kanilang kaalaman na kaya namang makipagsabayan ng mga babae sa mga lalaki lalo na kung pampalakasan ang usapan.
Maraming kababaihan ang nangingibabaw, ang nagkakamit ng mga gintong medalya sa mga patimpalak na ginaganap sa labas ng ating bansa, kabilang na rito sina Hidilyn Diaz sa larangan ng Weightlifting at Pauline Lopez na kilala bilang isang karateka na kamakailan lamang nagbigay na ng karangalan na sa ating bansa.
May ibubuga ang mga babae sa iba't ibang larangan, ang iba ay natatakot lamang na ipamalas ang kanilang angking galing dahil sa takot silang makatanggap ng mga masasakit na salita o madiskrimina.
Kung mabibigyan ng pagkakataon ang mga kababaihang umusbong sa kani-kanilang porte, tiyak na aani ng maraming ginto ang Pilipinas at tiyak na mgiging tanyag sa iba't ibang bansa. Sa kabila ng pangungutyang natatanggap ng mga atletang kababaiha, mayroon pa rin namang mga sumusubok at patuloy na susubok na itaas ang bandera ng mga kababaihang atleta.
Si Lime ang patnugot sa Isports ng Sentro Punto Balita, opisyal na news website ng Division Schools Press Conference 2023.
Ang mga sumusunod na pahayag at opinyong nailathala sa Sentro Punto Balita ay pawang nagmula sa mga manunulat at hindi sumasalamin sa kabuuan ng dibisyon at iba pang organisasyon.